Introduction: This is a tiktok video published by Sophie. The video has now received more than 20 likes, 0 comments and 0 shares. It is deeply loved by fans. The following is the specific data and similar videos. Address, you can complete the operation on this page by clicking play or bookmarking the video.
A sign of depression from a seeker.. Lubog sa utang, malayo sa pamilya. Ofw! Kayo? Nakamusta ba ninyo ang mga kapamilya ninyo lalo na yung mga nagtratrabaho sa ibang bansa? Yung pagkamusta na dahil totoong may care ka, di dahil may kailangan ka.. May this be a reminder sa atin na minsan kailangan din natin makinig, kailangan din natin sila pakinggan, kailangan din natin sila kamustahin kahit wala tayong kailangan. Mahirap ang mag-isa, malungkot, walang makausap, tapos madaming problema. Huwag ninyong ibato lagi ang faith, sapagka't madalas at madami sa kanila yun talaga ang kinakapitan, dasal talaga ang sandalan. Ngunit minsan kahit gaano kataas ang faith mo kung na-blangko ang isip mo ng emosyon, kahit sa maiksing oras madami ang maaring mangyari. Bukod sa dasal, malaking tulong ang maramdaman nila na meron mga taong nakasuporta sa kanila, may nakikinig, may napagkwekwentuhan, may nasasabihan. Huwag kayong mangamusta para magsabi din ng problema, kasi mas kailangan nila ng makikinig at minsan magpapayo sa kanila, magpapalakas ng loob nila at hindi yung mag-papaalala sa kanila kung gaano kahirap ang buhay. Para sa mga nakakaisip nito, ang pagsuko kailanman ay hindi tamang solusyon. Sapagka't mag-iiwan ka lamang ng trauma at sugat sa puso at isip ng mga taong nagmamahal sa iyo na pwede nilang dalhin habang-buhay. Maging aware ka sa kalungkutan na iyong nararamdaman, at kapag napapansin mo na nilalamon ka nito, gumawa ng bagay na makakakuha ng attention at pansin mo, o kaya ay makakapagpagaan ng nararamdaman mo. Hindi madali, ngunit sa madalas na pagkakataon, you need to be your own hero, dahil ikaw ang pinaka-dapat na tumulong sa sarili mo, at gagawin mo ito kasi mahal mo ang buhay mo, mahal mo ang sarili mo. #strength #guidedmessages #copingdepression #braveheartsophie #mentalhealth #fightingdepression #fightingspirit #strengthening #depressionisnojoke
Duration: 0 sPosted : Mon, 05 Feb 2024 12:14:44Views
4.3KDaily-
Likes
20Daily-
Comments
0Daily-
Shares
0Daily-
ER
0.46%Daily-
Latest Videos
Similar Videos
Watch moreMore Videos
Watch more