TikTok E-commerce Data Analytics, Choose Tikmeta
Get Started
Introduction: This is a tiktok video published by Doc Drew Valdez | Urology. The video has now received more than 591 likes, 45 comments and 43 shares. It is deeply loved by fans. The following is the specific data and similar videos. Address, you can complete the operation on this page by clicking play or bookmarking the video.
Views
95.4KDaily-
Likes
591Daily-
Comments
45Daily-
Shares
43Daily-
ER
0.71%Daily-
Latest Videos
Pag nagkaroon ka ng bato sa pantog, may options ka: open surgery versus LASER surgery. Yung video sa taas are specimen from a procedure called "open cystolithotomy" -- yun yung hihiwa sa may bandang puson ng pasyente, pagkatapos literal na bubuksan yung pantog, tapos tatanggalin ng buo or isa-isa yung mga bato sa loob. Before high-powered LASERS, open surgery na ang hatol kapag malaki na ang mga bladder stones (bato sa pantog), otherwise, yung mga dating available endourologic option will take a long time bago mabasag ng maliliit yung mga stone para mailabas ng walang sugat. Pero nung dumating na ang mga high-powered LASERS, even larger stones >5cm or more can be treated endoscopically ng mas efficient, safe, at mas mabilis. Yung video sa taas are stones from a single patient, who had a large >900g na bladder stone, treated with an open cystolithotomy. Hindi isang buong natanggal yung bato kasi may parts na matigas, may parts na brittle. Yung video naman sa baba, is a bladder stone being efficiently blasted away by holmium LASER -- kinayang maubos yung bato nang hindi na hinihiwaan ang pasyente. Same outcome (ubos ang bato), different post-op situations (walang sugat yung pasyente). #docdrew #urologist #urology #tacurong #tacurongcity #tacurongsultankudarat #marbel #KoronadalCitySouthCotabato #koronadalcity #Gensan #generalsantos #SOCCSKSARGEN #TacUro #TacUrologist #TacUrology #stonesurgeon #LASERsurgeon #lasersurgery
17.0K
149
9
Doc Drew Valdez | Urology
8 months ago
At 33 years old, biglang sumakit yung tagiliran ni Patient X. Pawala-wala kaya inabot din siya ng 2 buwan bago magpa-check up. On ultrasound and CT scan, lumalabas na merong 1.1 cm na bato na nakabara sa renal pelvis (yun yung pa-embudo portion ng kidney). 1.1 cm? Liit lang diba? Oo sa totoong buhay maliit lang yun. Pero maliliit lang rin kasi ang daluyan ng ihi natin sa loob ng kidney, kaya yung 1.1cm, puwedeng puwedeng bumara. Kapag bumara kasi yung bato sa daluyan ng kidney, biglang lolobo yung kidney at mag-eexpand yung "balot" ng kidney, aka, renal capsule. Merong pain fibers sa renal capsule na nag-sisignal sa utak mo na may masakit. Kaya masakit yan hangga't mawala yung pagbabara. Kaya noong naisalang sa procedure si Patient X, binasag namin ng holmium LASER yung bato, at noong kasya na siya sa ureteral access sheath (yang parang kuweba na kulay blue), ginamitan namin ng suction. Kaya sa view natin sa video, nakikita niyo na lumalapit papunta sa atin yung bato. Paulit-ulit-ulit yan ginagawa hangga't maubos yung stone. After the procedure, nakauwi agad kinabukasan si Patient X at nakabalik agad sa trabaho. #docdrew #urologist #urology #Tacurong #TacurongCity #marbel #Gensan #SOCCSKSARGEN #stonesurgeon #LASERsurgeon #TacurongUrologist #TacurongUrology #TacUro #TacUrology
8.3K
98
3
Doc Drew Valdez | Urology
8 months ago
Bato --> buhangin, gamit ang holmium LASER. Nung lumapit yung patient, sabi niya paminsan-minsan daw sumasakit yung likod niya. Within a span of 4 years, merong mga 3-4 episodes na sobrang sakit daw. Pinakamatindi yung huling episode niya kaya naisip niya nang magpakonsulta. Nakaihi na daw siya ng bato dati, kaya naisip niya na baka nga daw may kidney stones siya. Inakala niya kasi noon na naihi na niya kaya wala na. Pero ang katotohan niyan, kung may naihi kang stone minsan, di mo malalaman kung may natira pa unless magpa-imaging ka tulad ng CT scan. True enough, on CT scan marami pa siyang natitirang stones sa loob ng kidney. May maliliit, may medyo malalaki, pero kinaya naman lahat na madurog into dust using LASER. Pagkatapos maubos ang bato, nag-iwan kami ng stent, nakauwi agad kinabukasan ang pasyente, at bumalik siya in 3-4 weeks for removal of the stent. #docdrew #urologist #tacurong #tacurongcity #sultankudarat #summer #Koronadal #marbel #stonesurgeon #GenSanCity #GenSan #prostatesurgeon #kidney #kidneyhealth #kidneystone #kidneystones #TacUro #TacUrologist
5.5K
74
4
Doc Drew Valdez | Urology
8 months ago
Similar Videos
Watch moreMore Videos
Watch more